Di Ka Man Lang Nagpaalam

umalis ka na pala, iniwan mo akong nag-iisa, lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa, masaya ang bawat sandaling kasama kita, ngunit biglang isang umaga, paggising ko'y wala ka na, naglaho kang parang bula, hindi alam kung bakit lumisan ka, nag-iisip ng malalim kung anong nangyari satin, nababahala, baka di ka na bumalik sa aking piling, dahil ikaw, ang syang kailangan ko, magpakailan pa man, asahan mong pag-ibig ko'y, di magbabago pinapangakong, maghihintay sayo, napatulala, inaalala ang ating nakaraan, binabalik balikan ang dating tagpuan baka sakaling naron ka't, naghihintay, nalulumbay, kasabay nang pagbuhos ng ulan, pagpatak ng luha'y hindi mapigilan, kailan kaya kita muling masisilayan, dahil ikaw, ang syang kailangan ko, magpakailan pa man, asahan mong pag-ibig ko'y, di magbabago pinapangakong, maghihintay sayo, at sandaling tumigil ang mundo ng malaman ko ang totoo, na hindi ka na babalik sa piling ko, dahil ikaw, ang syang kailangan ko, magpakailan pa man, asahan mong pag-ibig ko'y, di magbabago pinapangakong, maghihintay sayo

Albums

Comments