Ikaw Na Ang Bahala (panalangin)

ang ganda ng buhay, mahal kong diyos, sana papuri sa 'yoy tunay na malubos, nais kong mabuhay sa mundong kay ganda, na dinadakila'y pangalan mo tuwina, ikaw na ang bahala sa amin ama, at sa mga araw na darating pa, dalangin namin ay pagpalain mo sana, ikaw ang pag-ibig namin at pag-asa, ikaw na ang bahala sa amin ama, at sa mga araw na darating pa, tanging sa 'yo lamang hihingi ng awa, sa bawat sandali ikaw na ang bahala, makulay ang buhay, mahal kong diyos, sana pagmamahal mo sa mundo'y mabuhos, salamat sa pag-ibig na nasa puso ko, salamat sa buhay na galing sa iyo, ikaw na ang bahala sa amin ama, at sa mga araw na darating pa, dalangin namin ay pagpalain mo sana, ikaw ang pag-ibig namin at pag-asa, ikaw na ang bahala sa amin ama, at sa mga araw na darating pa, tanging sa 'yo lamang hihingi ng awa, sa bawat sandali ikaw na ang bahala,

Albums

Comments